Linggo, Hunyo 16, 2013

Wikang Filipino~ :3


       
Ang Filipino ay ang ating Pambansang Wika, ano ang kahalagahan nito? Kailangan pa ba natin pag-aralan ang ating sariling wika? Ano ba ang kasaysayan ng Wikang Filipino?

Kasaysayan ng Wikang Filipino

     Ang ating Pambansang Wika ay "Filipino"... bakit? 1) Ito ang gamit na wika sa Maynila na siyang sentro ng pamahalaan at kalakalan; 2) nagtataglay ang tagalog ng pinakamayamang talasalitaan at panitikan; 3) madali itong mapag-aralan at maintindihan; 4) pinakamalaganap itong ginagamit sa kapuluan.

     Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.
     Isang arkipelago ang Pilipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo.
     Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pulitikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925.

     Noong Nobyembre 13, 1936, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika.
     Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino.

     Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

     Ang wikang Filipino ay isang simbolo sa amin mga Pilipino at sa buong mundo, ito’y simbolong nagpapakita ng pagkakaisa natin bilang isang malayang bansa, ito ay ang nagsisilbing komunikasyon natin mga Pilipino. Ito ang aming pambansang wika, ito’y tanda na nagpapanatili sa amin nagkakaisa.
     Ang aming kasalukuyang pambansang wika din ang simbolo ng mga nadaanan pagbabago at pag-unlad natin mga Pilipino.
      Ang wikang Filipino ay ang simbolo ng Pilipinas, ito ay ang aming pinagmamalaking pambansang wika.

                                                                                                                  -Azura, Kenneth Jayson R.

Sources




         

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento